November 6, 2008

"WHEN DO YOU CONSIDER SOMETHING CONSTANT?"

This is a short conversation.. With whom? I dunno... I will only share the thing's I've said..

"Alam mo naman kung gaano ka kahalaga sakin diba? walang kasing.. at ayokong basta basta nalang matapos lahat sa ganun na lang..Ngayon lang ako ulit nakahanap ng ganitong lugar sa mundong to. Ung masaya ako. Ung alam kong kahit nasasaktan ako, kapag nakita na kiota, nakasama na kita, kampante na ko. Kahit alam kong hndi tayo pwedeng maging higit sa magkaibigan, tinatanggap ko na, at unti unti ko ng bnibitawan ung pangarap ko na isang araw makikita ko ung sarili ko na katabi ka. Habang buhay. Ngayon lang ulit may nag alaga sakin ng ganito, ngayon ko lang ulit naranasang magalaga ng sobra. Na magkaroon ng kaibgang katulad mo, na nabigyan ko ulit ng halaga lahat ng bagay sa mundo ko, natutunan ko ulit mahalin ang sarili ko. Ayoko mawala lahat dahil sa isang walang kakwenta kwentang bagay. Gusto ko nang maging maayos lahat. Maging masaya, makuntento, tahimik na tumayo sa tabi mo para saluhin ka sa tuwing madadapa ka. Un lang. Un lang ang gusto ko. WAla nang iba. Kaya ako ganito, sana maintindihan mo"


+ I feel and i sound so awful in that first part..It's like I'm someone who's losing everything... Weird.


"Alam ko namang lahat ng bagay na gawin ko, kung hindi kulang, paniguradong mali, para sayo. Kaya nga tinatanggap ko nalang lahat ng sinasabi mo, lahat ng sinasabi ng iba, ayoko na rin kasi ng gulo"


+ Medyo naging magulo ung mundo ko these past few days.. A witch is haunting me. She won't stop until I'm gone... Ayoko nalang lumaban dahil alamko wala akong panalo. Yung nagiisang possible na maging kakampi ko (dahil siya lang ang may alam ng lahat) wala.. WALANG ibang maLi para sa kanya kundi ako. Kasalanan ko daw lahat. OKAY! watever. haha... I hate it.


"Wala na kong inaasahan sa mundong to. Basta alam ko isang araw magiging masaya rin ako. DI man sa paraang gusto ko, pero gagawa ng paraan si God para makita niya kong masaya.Isang araw, Lahat ng tao sa mundo mamamatay, lahat ng sarap at hirap , maiiwanan din sa mundong to, ndi madadal sa kabilang buhay. Kaya hanggat kaya kong masaktan, hndi ako titigil. Hanggat kaya kong sumaya, tatawa ako hanggang mawalan ako ng hininga. Lahat ng bagay matatapos. saya, sakit, tawanan, iyakan, galit, pagpapatawad. Lahat. At hanggat kaya kong lampasan lahat, susugod ako. Manalo man o matalo, mdapa man o masugatan, alam ko ginawa ko parin lahat. For my life to be worth living. Dahil isang araw lahat un mawawala, ultimo alaala ng lahat, Maglalaho at wala ng babalik."


+Whew.. life's reality. nakakapagod tanggapin but, we have to. MAraming bagay na dapat tanggapin kahit mahirap. Sabi nga nila, there are THREE things constant in this world. GOD's LOVE, CHANGE and DEATH... and the rest?... It's up to you. It depends on how you will take care of that something you have, to make it permanent.. and CONSTANT.


Mahirap diba?.. Madali sigurong isipin pero mahirap tanggapin. Lalo kapag malapit na malapit ka na talaga, tipong nandyan na sa harapan mo, pero hindi pwedeng maging iyo. And once something is not yours. You can never make it constant. Hindi nga iyo eh.. asa ka pang maging permanente yan!


"Live life to the fullest, but remember your limitations."

2 comments:

kennethlive07 said...

wala lang, alam mu nads the thing about moving on is finding a place to move to. madali sabihen, peru iv been there ung super hirap iwan ung mahal ko, u know what i did? i took it as a challenge to find someone better. i read in one book (tho alam mu ung drama ko diyos2 chorva) na we have more than 1 soulmate that its more than fate or a lack thereof allows us to meet the true and sole and rightful person for us. at the end of it all, kahit madame na kau pinagsamahan the thing about romantic love is moving on, letting go and FINDING SOMEONE BETTER HECK THE BEST for you it things do not work in the first place..aun soorry for snooping and pakikialam...do tc of yourself






-kenet ;]

-bubblegum.girl- said...

Aw.. salamat neth.. you spent time para lang payuhan ako.. i never thought. lamu ba.. never pa niya nabasa tong blog ko.. at khit ilambeses kong ipost na may blog ako.. ala parin.. ultimo nga ung message ko para sa knya nung bday niya d p niya nbabasa eh.. kaloka dba?.. mhrap kaso kylangan. alm ko kung san lulugar pero auko tanggapin. tsk, my bad. Newais,,, salamat tlaga.. ^_^ God bless u neth!
gudnyt!