Okay... actually, this is copied from somewhere.. haha. Just try to find the original..But you can actually read it here.. It's just the same.Kayo na ang bahalang umintindi.. pero i really love it.(part 1)pagkatapos ng apat na baso ng tsokolateng lason
wala pa ring hilo na maramdaman
nilalaro ang yelo sa dila
habang nakatitig sa panlimang tagay
na nakalagay sa kanyang harapan
nag-aagaw na ang tsokolate mula sa tubig ng yelo
agad niyang hinalo ng daliri at inilapit sa kanyang mga labi
"o dahan-dahan, baka mapano ka na nyan"
"kaya pa, to talaga, wala kang tiwala"
"sus, ang saakin lang eh sana wag ganyang kabilis, magdamag pa to"
walang nagsalita
ang upos ng sigarilro mula sa itim na ashtray ay tumatapon na
punong-puno na ito
kaya tumayo ang lalaki at tinaktak ito sa malapit na basurahan
"kaya pa?"
walang imik tumango lang
"kaya mo pa ba?"
tinitigan nya ang lalaki na nagtatanong
"itutulog ko na lang"
"di dapat ganito. umayos ka nga"
"sabi mo no judgement... akala ko dyan ka lang"
walang imik ang kausap
pinikit nya ang mata nya sabay salo sa bunganga
akmang susuka na
tinabihan sya ng lalaki sabay salo sa ibubulwak nya
sisig, barbecue, calamares, kanin, alak at tubig.
walang pandidiring sinagip, tulad ng palagi nyang pag-ako ng lahat ng sakit.
kumuha ng basang twalya at ipinahid sa mukha ng kawawang lasing. nilinis
ang pinagsukahan at dahan-dahang inakay sa banyo. hinugasan ang mukha at
pinunasan ang damit. walang imik ng ilang minuto... biglang humikbi.
"iwanan mo na lang ako dito"
"pagkatapos kita maihatid sa higaan, hahayaan na kita"
"ako na lang kaya ko"
"wag mo na sana gawin to ulit, hindi na maganda"
"hayaan mo lang muna, nahihirapan na ako sa kanya"
"sabi naman sa iyo, pabayaan mo na sya... kung hindi ka nya mahal..."
"bukas ok na ako... eh di wag kung ayaw nya"
"bakit ka ba nya sinasaktan ng ganyan?"
"hindi ko din alam... basta ayoko na"
tahimik na inakay sa kawarto, tinanggal ang sapatos at isinara ang pinto.
umalis na para umuwi. pag istart ng makina ng sasakyan ay nagdalawang isip
kung tama ba ang ginawa.
kinabukasan tumunong ang cell phone ng magaalas dose na ng tanghali,
napaisip kung ano na ang nangyari sa kasama.umiilaw ang lcd at ang pangalan
"nya" ang nabasa.
"hello, ano na nangyari sayo? may hang over ka pa ba?"
"sakit na lang ng ulo, pero ok na, salamat ulit ha"
"aaaa yun... wala naman yun wag mo na lang ulitin... kaw kasi eh"
"naku... bago nga pala sneakers mo, nasukahan ko ata..."
"aaaa washable naman ata yun... o ok ka na ba talaga?"
"uhmmm ok na ok na"
"hay at least maayos ka na"
"oo kasi nagsorry sya kanina... kami na ulit"
"a ganun ba sana hindi ka na nya sasaktan ulit"
"oo nga haay, magpapakabait na daw sya... pero pag ginago nya ako ulit...
andyan ka naman eh..."
"aa... oo... dito lang"
"hahaha oo naku taga-salo ng sinuka ko"
... hindi... taga-salo ng sinuka nya
(part 2)sa birthday party sa isang bahay sa alabang umupo ang lalaki
sa tabi ng pasilyo, binugaw ang usok na dala ng sigarilyo
mula sa mga katabi
"oy inaabangan mo nanaman sya, dude... tama na"
"pare, wag ka ngang gago. tutulad ka pa sa syota nya eh"
ang kantiaw ng mga katabi. hindi umimik.
may hawak na bote ng beer pero hindi iniinom.
torpe na nga mahina pa.
"daanin na lang natin sa inuman yan bro" sabay akbay ng may birthday
"ano ba kayo, ilang beses ba sasabihin na concern lang yun"
ang depensa sa sarili
"pare... in denial ka pa din ba? its so obvious you like her"
"dude, hindi like... baka LOVE! eh college pa yan."
"pero bro... tropa natin ang shota nya..."
bulyaw ng isa
"hahaha eh sa ganyan pare... walang tropa-tropa
sinulot din naman sa kanya di ba?"
"eh di ba nauna ka naman manligaw sa kanya?
bakit ka nga pala tumigil?"
tawa ng kaibigan
"hinde naman. ano ba kayo close lang talaga kami"
sabi ng lalaki at pilit na itinatago ang matagal na namang halata
"alala mo tong gagong to... nung baha..."
buyo ng kaibigan sabay subo ng pulutan
"oo... palaging naghihintay ng alas tres eh hanggang 1130 lang naman
pasok naten..." salo ng isa
"tapos hindi nakapagtext yung babae, hintay ng hintay si gago hanggang
alas siete... yun pala nakauwi na hahaha"
at tinapos ang kwento tawa ng tawa.
"pare sa may paranaque bahay nun di ba? haha tangina san ka nga ba
nakatira?"
"timog"
ang pabulong na sagot
lahat ng kausap ay tawa ng tawa.
bago pa man makapagreact ulit yung lalaki... biglang pumasok sa pinto
ang babae kahold hands ang boyfriend nya. tumahimik ang lahat.
"bakit ka nga ba tumigil?"
napaisip. nakatitig sa namamawis na bote ng beer.
kasalanan nya rin pala kung bakit.
naalala nya nung gabi na tinanong sya nung babae tungkol sa kanila.
mga mag-aapat na taon na mula nung gabing yun
maling-mali ang mga sagot nya.
(part 3)binagtas nila ang kahabaan ng espanya...
traffic pa sa quiapo
pinakapaborito nya itong gawin, ang maghatid sa "kanya"
kahit hassle, kahit out of the way
hindi nya alam kung napapansin nung babae na palagi syang nakakaisip ng
dahilan
kesyo may pupuntahan sya sa BF pque or may dadaanan sa tita nya sa sucat
kahit mag dadalwang oras ang layo nito sa bahay nya ayos lang
basta makasama "sya", marinig ang boses makita nakangiti
jackpot! sobrang traffic kasi kakahupa pa lang ng baha
"alam mo paborito ko to..."
"ang alin? traffic?" tawa ng kasama
"hindi... alam mo na..."
"nahihiya ako sa iyo malayo bahay mo, ihahatid mo pa ako baka bahain ka pa"
"aaaa hindi... punta ako talaga sa gawi dyan..."
tahimik
"thank you, i dont really know what i did to deserve this"
"to naman, wala yun"
gusto ko kasi makasama ka ng matagal
marinig ka tumawa, makausap ka na tayong dalawa lang...
maihatid ka para alam ko na maayos ka nakarating ka sa inyo...
"hala traffic talaga..."
alala na dumungaw ang babae sa labas nakatingin sa mga stranded
"oo nga eh, ok lang naman mabilis na yan paglampas sa tulay"
sana masira ang stoplight para hanggang mamaya pa tayo
paborito ko ang traffic... kasi masmatagal pa tayo magkasama
kung pwede lang sana habangbuhay na lang traffic
"oy bakit ka ganyan makatingin?"
"'to feeling talaga..." nakangiti na sinabi ng lalaki
hinampas ng pabiro ang braso ng lalaki sabay dumila
"ikaw ang feeling belat"
tawa sila pareho
pagkatapos ng tatlong oras sa byahe mag-aalas onse na nung tumigil sila sa
may itim na gate
pinatay nya ang makina, at bago pa nya buksan ang pinto hinawakan ng babae
ang braso nya
"thank you, sa lahat"
"to naman, wala yun sabi sayo..."
"bakit ka ganito kabait sa akin?"
"kasi..."
at nakita nya ang matagal na nyang gusto makita sa mga mata "nya"
yung sa pagkakataong ito, alam nya na kahit paano...pareho sila ng
nararamdaman
habang tinititigan nya, para bang sasabog ang dibdib nya sa kaba
alangan na bigla nya yakapin at umamin at maging pinakamasayang tao sa
mundo
"kasi...?"
nakangiti na sya parang alam kung ano ang totoong dahilan
biglang naisip ng lalaki... ayoko syang saktan. kulang pa ako.
mali ang timing. ayoko na hindi ko mabigay ko sa kanya ang panahon
at effort na dapat para sa kanya. madami pa akong dapat tapusin at
pagminahal
nya ako, hindi ko gusto na magkukulang ako...or else i dont deserve her
"you know how much i love you, right?"
ang sinabi ng lalaki
"yeahps. i know that. thats why you take good care of me"
nakangiti ulit.
"oo nga gusto kita alagaan."
at mahalin... at buong buhay makasama
"hmmm yun lang ba?"
"oo, kasi kaibigan kita"
ang biglang nasabi ng lalaki umiwas ng tingin
"aa.. oo. tama. sige ha... uhmm pasok na ako thank you ulit"
sabay labas ng babae ng sasakyan, susi sa gate at biglang naglaho
hindi maintindihan ng babae kung bakit ganon na lang ang sikip ng dibdib
nya
na biglang tumulo ang mga mainit na luha sa pisngi nya pagkasara ng gate
narining nya na nagstart ulit ang makina alam nya na palayo na ang lalaki
halos may kuryente ang mga kamay nya at hirap pa din sya huminga
wala naman masama kung kaibigan ang turing nung lalaki sa kanya
eh pinagtataka nya ay kung bakit kaya ganun sya kaapektado?
napapikit sya, may malaking bara ang lalamunan
akala nya aamin na... kasi kung sinabi lang na mahal sya...
masasabi na din nya na ganun din ang nararamdaman nya.
(part 4)pagkatapos ng anim na taon tatlong buwan at limang araw
dalawang boyfriend, at isang muntik na...
labing apat na beses mag-on at off
limang daan pitumpu't walong paghahatid sa itim na gate sa paranaque
na dalawang beses napinturahan ng one pint na black automotive
tatlong daan at labing isang pirasong tissue
isang pares ng sapatos na nasukahan
isang libo limapu't isang patak ng luha
isang ream ng malboro lights
isang kahang red horse,
kalahating 600ml na bote ng baileys at madaming shots ng tequila
equals
"titigilan ko na to"
bumuntong hininga, kinukumbinse ang sarili
inalala ang unang pagkikita
pumikit para mawala ang alaala ng mukha nya
hindi naman talaga sumobra sa ganda, simple lang...
simple sa unang tingin pero pagtinitigan...
lalo na pagngumiti
halos mapatid ang hininga ng lalaki
ayaw kumurap, ayaw gumalaw
tuwing magbabalak na ulit sya umamin sa babae
palagi na lang sya nauunahan ng kaba,
takot at katangahan
hanggang maunahan na ng iba
"suko na ako...hindi na ata nya ako magugustuhan"
napatingin sa sarili sa salamin
tumunog ang cellphone
"busy?"
sender +639........
parang nag bungee jump ang puso
binura na nya yung number na yan sa phone book
lumitaw ulit
"malamang nag-away sila"
isip-isip nya
"ako nanaman ang naaalala pagganitong panahon"
tinignan ang relo, mag-aalas onse ng gabi
bumaling sa susi ng sasakyan sa ibabaw ng mesa
sabay text ng
"not really, y :) "
message sent
1 new message
"wala naman, i jst need the company. kht txt lang"
huminga ng malalim, hindi nya matiis
gustuhin man nya na tumigil na
para bang nakakapanghina
masakit ang makinig sa mga problema ng babae
pero masmasakit ang makita na nagkakaganun sya
"gusto mo puntahan kita dyan?"
walang pagaalinlangan na tanong kahit malayo
kahit out of the way... kahit masakit
at nagmaneho ang lalaki ng isa't kalahating oras
hanggang marating ang itim na gate sa paranaque
kung saan sinalubong sya ng babae
magang-maga ang mata
biglang yumakap at humikbi sa dibdib
basa agad ng luha ang balikat ng tshirt nya
"sige umiyak ka lang, hindi ako aalis"
pabulong na sinabi
nag-aagaw ang loob nya kung aamin na sya sa babae
matagal na din nya hinintay ang ganitong pagkakataon
ngayon pa, na kaya na nya ibigay ang dapat sa isang katulad "nya"
ang panahon, pagiintindi... seguridad...attensyon...
"naguguluhan na ako..."
inangat ang ulo at nagkasalubong ang mga mata nila
hindi tulad noong gabi, magaapat na taon na ang nakaraan
wala na yung kislap na inaasahan na nandoon pa
napalitan ito ng gulo, sakit, para bang madaming tanong
gusto ng lalaki na bigla na lang umiyak dahil kung kailan sya handa
wala na ang katiting na pag-asa na pinanghahawakan nya
natauhan bigla nung dumating ang lalaki na dahilan ng lahat
tumayo ang babae at pumasok sa loob ng itim na gate
naiwan ang dalawang lalaki na natakatanga
alam nila pareho na isa lang sa kanila ang pwede sumunod sa babae
"hindi sa pakikialam, pero ano ba ang nangyari?"
"nandyan ka naman, bakit hindi mo tinanong sa kanya?"
"wala naman sinabi...basta na lang kailangan nya ng kasama"
"pare i think you should have asked her about it"
"wala naman sinabi umiyak lang"
"i just cant believe you are this blind"
"kung ano ang away nyo, labas ako..."
"dyan ka mali"
"sige, kung mamasamain mo ang pagtulong ko sa kanya twing nagkakasakitan
kayo..."
"yun nga yon. ikaw ang kinakailangan nya, hindi ako.
imbis na ayusin namin ang problema
palagi na lang ikaw ang pumupunta..."
"i am just being a friend to her"
"thats bullshit and you know it. pare, you are still very much in love with her"
"i dont think its any of your business, hindi naman nya ako mahal"
"bakit? naitanong mo na ba yan sa kanya?"
"hindi na kailangan."
"do you even know that you love her?"
"...."
"ganito na lang, are you even aware that she loves you?"
"...."
"well... para hindi na kayo mahirapang dalawa, eto manggagaling na sa akin...
mahal ka nya and she has been in love with you ever since i can remember"
"bakit mo sinasabi sa akin yan?"
"kasi nasasawa na ako ng ganito. do both of yourselves a favor and talk about
it,
sinubukan ko na ayusin kami at pagod na pagod na ako..."
"... ... ..."
"pareho kayo in denial"
"pare,ayoko sya makita nasasaktan"
"bakit? sa tingin mo ba gusto ko din masaktan sya?
hindi naman sya masaya sa akin and i see that everyday"
"you dont know what youre talking about"
"why? ikaw? do you?"
akmang wawalk-out ang bida naten...pero may parang pumigil sa kanya
ang lalaki na dahilan ng pag-iyak ng babae
ay hindi pala ang taong totoong nakasakit sa kanya
natauhan, naliwanagan
nag-alinlangan...naindintihan
"i give her back to you. ingatan mo sya"
ang sabi ng dating kalaban
at pumasok ang bida sa loob ng itim na gate sa paranaque.