December 31, 2008

Welcome year 2009!!!

It's a rainy start for a new year.. I'm at home, entertained by colorful fireworks outside. The view is great here (sa may terrace syempre) Have a happy year ahead. a Lot of things happened the Past year. one greatest thing about it was that, I became 18!!! haha ^_^ Cheers for me! everything was great. Hmm. . . It's already 11:45 so I guess I have to go now. . . HAPPY NEW YEAR!!!

(to be continued. . . )

December 17, 2008

TWILIGHT BAWANG!

This was re-posted! haha.. ang cool kasi, namantay ako katatawa! I acknowledge the writer.. kung sino ka man... _______ mo! ASteg.. haha!!! Yun na un!

Because of TWILIGHT's phenomena..timely tlga ito..this is for all Twilighters out there..

kasi pare ganito daw yun. may isa daw babae na hot daw pare. pero maputla siya kasi hindi siya inalagaan ng nanay niya pare. tapos pare emo daw siya kasi nga daw hindi siya mahal ng mundo at para siyang patay na bata na galit sa mundo. tapos pare, lumipat daw siya ng tirahan kasi daw masyado daw siyang emo para sa luma niyang tirahan. sabi niya sa nanay niya "tangina mo nay gusto ko lumipat kay tay". tangina pare hindi nagalit nanay niya. sabi lang ng nanay niya "tangina mo pare wag ka magmura".so lumipat siya sa tatay niya di ba? pagkarating niya dun sabi niya, "tangina erpat bakit maulan dito?" sabi ng erpat niya "gago "bur" months na! malamig na tangena". so nagtaka yung babaeng simula ngayon ay tatawagin na lang nating "babaeng maputla at emo".so pumasok siya sa school di ba? binigyan siya ng truck ng tatay niya pare. sabi ng tatay niya "tangina mo sa'yo na tong truck ko". sabi niya "salamat tay".pagkarating niyang school tsong, may nakita siyang lalaking mukhang bangkay pero pogi. sakto. pogi pero mukhang bangkay. sabi ni babaeng maputla at emo "hot pare".nung chem lab na ni babaeng maputla at emo, natagpuan niyang lab partner niya yung poging bangkay. so nung tinignan siya nung poging bangkay, ang asim ng mukha nito. mukhang nandiri ata kay babaeng maputla at emo.sabi ni poging bangkay "tangina mo". sabi ni babaeng maputla at emo "tangina KA". sabi ni poging bangkay "tangina NIYA oh *tumuro sa teacher nila*". sabi ni babaeng maputla at emo "oo nga noh. TANGINA MO". sabi ni poging bangkay "tangina mo gago bampira ako". tapos naghubad siya ng damit at kumintab ang katawan niya kasi linagyan niya ng glitters ang abs niya kasi tigas siya at ganun na ang mga tigas ngayon na nagpupuntang emba.so pare na in love si babaeng maputla at emo kay poging bangkay. si poging bangkay naman sige lang kasi sex din daw yun. so ayun. ang shweet shweet nila."eow poh... ahihihihi""bebe mwahugz,..... ^^,"so tapos nun nagpunta sila sa damuhan kasi.... alam mo na. tapos sabi ni poging bangkay "ikaw na buhay ko ngayon" sabi ni babaeng maputla at emo "tangina mo gago patay ka na". sabi ni poging bangkay "TANGINA KA".tapos nagsex silaso basically pare yun lang yung mga importanteng nangyari sa buong storya. intense noh? kaya pala nahhook lahat ng tao. akala ko overrated. hindi pala. astig pala.
Oha oha! STirr!! hahaha....Pakamatay na ko!^_^ Emo na maputla..Asan na patay ko!?

December 6, 2008

Manny Pacquiao won over Dela Hoya!

PINOY PRIDE:
MANNY PACQUIAO DEFEATED OSCAR DELA HOYA ON THE 8th ROUND! CONGRATULATIONS!! PINOY PRIDE!

The Dream Match is over!
^_^ Manny "Pride of the Filipinos" Paquiao..
We always love you and pray for you!
Wala kang kupas!
God bless you and your family!

Para sa mga hindi nakanood ng laban niya.. here's the site
http://pacquiaovsdelahoyaupdates.blogspot.com/

I commend this site and im grateful sa blogger na gumawa niyan!
^_^ dahil sa'yo nakapanuod ako ng Live and Free! Thank you Pinoy!!!

+Proud to be Filipino!+

U-turn

Lost Love.. Pictures, Images and Photos
It's been 2 weeks since i've lost him.. He was there with me once, then he's gone. He never even told me that he's going away. Nagulat nalang ako nawala siya. Sometimes i get a chance to see him.. be with him.. but I really don't know who he is. wala na. wala na yung dating Siya. Worse? he became a stranger. hndi ko alam kung san siya napunta. kung kusa ba siyang lumayo or may kumuha lang sa kanya?.. may nagpumilit bang ilayo siya sakin?...

We usually do things together before. Spend hours on the phone, ngayon wala na. Kada magriring ung telepono, umaasa ako na siya ung tumatawag. Na sana pagsagot ko, boses niya ung maririnig ko. pero hindi. hindi na ata niya naaalala ultimo yung telephone number ko. Before, we always go home together, I always wait for him. Kahit gano ka Late. Kahit gano kagabi. We walk together, side by side, sometimes we even hold hands, lalo pag maginaw. But now?... Wala na.
Wala nang together, meron na lang ALL together. Kasama yung buong company niya sa block nila. We're always with everyone. parang laging may party kapag uuwi kami. We never had the time to talk about each other. wala nang kamustahan. wala ng jokes. wala ng bonding. wala ng "namiss kita" wala ng "kmusta ka na?" wala nang "ok ka lang ba?". Wala na lahat.

Maybe I was just used to being with him. Masyado akong naniwala na nadyan lang siya para sakin. Na may Forever talaga, na may angel talaga, na wala naman na pala. akala ko maayos parin lahat, naniniwala akong hindi siya nawawala, na andyan parin siya, na hindi parin niya ko iniiwanan.. Pero mahirap lokohin ang sarili eh. Ndi ko nagawa, lumabas rin yung totoo. Masakit. Sobra. ang daming nawala kasama niya. "I will protect you until I die", yung "I will never let you fall", yung "hinding hindi kita iiwanan", yung "iiwananan ka ng lahat, pero ako hindi". Asan na lahat?.. Wala na. Yung lamig ng boses niya habang sinsabing "wag kang malungkot".. Naglaho kasabay ng pagpatak nung luha ko.
Mula nung araw na unti unti na siyang nawawala, walang araw na hindi ako umiyak. I always wanna be happy. I love to laugh. Pero parang nawala ko rin ata yung sarili ko, kasabay niya.

Hindi ko masabi sa kanya lahat. Natatakot ako. Natatakot akong sabihin na "pwede ka na bang bumalik? miss na miss na kasi kita eh".. Natatakot ako na sa kada titingin ako sa mga mata niya, lalo akong nangungulila.. at lalo kong hindi matanggap na wala na. Na tapos na lahat. Na kahit magunaw ung mundo, hinding hindi na siya babalik. Hindi na.

Every beautiful movie has to end. Every fireworks dispaly only last for minutes. Every bubble blown has to pop. Tulad namin. kailangan din matapos. wala na. wala nang maibabalik. dahil walang nasimulan.

One day, nagulat na lang ako, nandyan sya sa harap ko, he lifted me and hardly let me fall.. literally. He was my Lifter nung cheering. And just like every flyer, I Fell. I fell in love with him. Stupid me. Sobrang Stupid.

We became friends, bestfriends, almost lovers, but never were. Hanggang dun na lang un. BestFriend niya ko, at ganun di ako sa kanya. Nothing more. naging masaya kami. We spend everything together. Promised a lot to each other. Gave a lot. and now, I lost everything.

Wala na siya, i never thought na mula palang nun, bilang na pala ung mga araw namin. Na pagkatapos ng laro nila, tapos narin ung palabas namin. :(
Ndi ko alam kung san ako lulugar, hindi ako pwedeng humingi ng kahit ano sa kanya dahil masasaktan lang ako. Wala siyang obligasyon sakin. Kaibigan lang niya ko. Bakit nga ba hindi ko naisip na pwede niya kong iwanan kahit na anong oras. Na bawal ako magreklamo. Bwal ako pumalag. Pwede lang akong masaktan. Umiyak. Manahimik. Hanggang dun lang ang parte ko sa natapos naming palabas.

And now, here I am. Wishing na sana bumalik pa siya. Na sana maranasan ko pa ulit lahat. Na sana makita ko ulit ung mga ngiti na nabibigay namin dati sa isa't isa...

Ngayon wala na siya. May kasama na siyang iba. May nagpapangiti na sa kanyang iba. May mahal na ata siya. Na hanggang ngayon hindi ko parin kayang itanong sa kanya... "Mahal mo na ba siya?".. Dahil alam ko sa sarili ko na ayokong marinig ung sagot. At kung marinig ko man, hindi ko kakayaning tanggapin.

Eto ako, Umaasa parin.
Naghihintay.
Kahit alam kong wala na.

Minsan kada makikita ko siyang palayo, gusto ko nalang magkabit ng karatula sa harap niya na:
"DEAD END, PLEASE MAKE A U-TURN"

Maybe, Just maybe...
Makita niya na may nasagasaan siya,
na dapat balikan.

:'(

+Masakit+

Sing what you can't say..

IS THERE SOMETHING?

Lately I see clouds of sorrow in your eyes
Some deep sadness you can never quite disguise
Now I’m scared to ask what it’s leading to
But I’m more afraid of not asking you

Is there something that you want to tell me
Is there something that I ought to know
Are we something that’s still worth fighting for
Or should I simply let you go
Is there something I can do to reach you
Are we something more than history
I’ll find some way to convince you to stay
If you just tell me honestly
Is there something left of you and me

You’ve got secrets you’ve been keeping for too long
And I’m going crazy acting like there’s nothing wrong
I can taste the truth every time we kiss
And I can’t go on
At least not like this

I don’t want to lose you
But what’s the use of holding on
I don’t really have you
If the feeling’s gone

Is there something I can do to reach you
Are we something more than history
If there’s no way to convince you to stay
And be the way we used to be
Then there’s something that I want to tell you
And I want you to believe it’s true
We had something that I’ll never forget
Even if I wanted to
‘Cause part of me will always be with you…


FOREVER I'M SORRY

You said that you’d be mine, forever
I took the road with you, forever
You said that I’m the man, forever
You whisper not to worry, forever
You said that it’s better, forever
If I stay here with you, forever

The weather changes like the music fades
And the promise you made will fade away

Forever I’m sorry
Forever I’m sorry
Forever I’m sorry
Forever I’m sorry

You said that you did not lie, I’m sorry
You answered with no questions, I’m sorry
You said that dreams will come alive, I’m sorry
There’s no hope to try, I’m sorry
You said that you’re sorry, I’m sorry
If I forgive you, I’ll lie, I’m sorry

Time tells a lie as you show you lie
Collide within my soul
You took me out, you took control
Tell this love to fail as you keep me in vain
Surprised to hit my bone
You take me out, you fake me, and you clone

"RED ANG LUHA NI MICHAEL"

RED ANG LUHA NI MICHAEL
by: Jimmy Alcantara

Michael and I were meant to be together. Tumira sa iisang komunidad sa Butuan, magkaeskuwela mula prep school hanggang kolehiyo, lumaki na pareho ang barkada, nagsosyo sa bawat stick ng yosi at sa bawat piraso ng french bread, pan de sal, at pan de coco, at kung minsan sa bawat bilog, lapad, at cuatro cantos. Kaya walang nagulat nang isang mahalumigmig at makulimlim na Agosto, magkasama kaming “lumaya” sa Agusan del Norte. Limang libo, transcript of records at sense of adventure ang bulsa-bulsa namin papuntang Maynila.
Pagkatapos ng anim na taon ng iba’t ibang komedya, trahedya at melodrama, magkasama pa rin kami. Sa isang sulok ng Quezon City kami umupa ng apartment–dalawang kuwarto, three-five. Hati na naman kami sa lahat: renta, pagkain, bayad sa tubig, ilaw, telepono. Akin ang sala set, kanya ang kama; akin ang TV, kanya ang ref; akin into, kanya ‘yun. At pag naghiwalay na kami, siyempre naman, kanya-kanyang hila ng gamit.

Malabo ang relasyon namin–magkaibigan, mag-asawa, magsyota, magkakilala. Kaya siguro di kami nagpakasal at di rin kami nag-anak. Pero di kami apektado kung di man namin ma-define ang relasyon namin.

Yuppy ang gimik ni Mike. Nagtatrabaho siya sa personnel department ng isang ad agency sa Vito Cruz. Wala akong trabaho. Hindi, nawalan ako ng trabaho. Huwag na nating pag-usapan ang nangyari sa CCP. Di raw nila kailangan ang ‘nahihibang’ na production designer. Masisira daw ang mga dula at musikal nila. Gago raw ang mga kulay at konsepto ko.

Isang makulit at mainit na Lunes ng umaga, sa harap ng pinagbuhusan ko ng atensiyon at pawis na omelet at bagong pigang orange juice, nagpabuntung-hininga si Mike at, “Sa init ngayon, natutusta ang utak ko at maalala ko, kinakalawang na ang ref, pag may bisita tayo, gusto kong magtago sa aparador.”

Napangiti ako. Ito na ang pagkakataon para sorpresahin si Mike. No, di ako bibili ng bagong ref. Babaguhin ko lang ang kulay! Marumihin ang puti, vile naman ang brown. Pula! Tama, scarlet red. Magugustuhan niya.

Madrama ang pula, may landi. Minsan morbid pero kadalasan, romantic. Masisiyahan siya. Ako na rin ang magpipinta. Gagawin kong isang obra-maestra ang ref.

Sa isang tindahan sa Cubao bumili ako ng malaking lata ng Scarlet Aluminum Paint. Di ko alam kung puwede ‘yun sa ref, pero kinuha ko na rin. At isinama ko na rin ang isang brush na katamtaman ang laki para kontrolado ang pagpahid.

Kaya pagpasok ni Mike sa trabaho ng Biyernes na iyon, hinarap ko ang ref. Binakbak ko ang lumang balat nito. Binuksan ko ang lata ng pintura at hinalo ang parang dugong likido ayon sa direksiyon. At binanatan ko na.

Ang ganda ng kinalabasan. Perfect ang first coating. Bagay na bagay ang kulay. At natakpan ang dumi at iba pang lumang pinturang di natanggal sa ref.

Naaliw ako ng husto sa ginagawa ko, kaya di ko na nahintay na matuyo ang unang coating bago pahiran uli. At para makasiguro na di mababakbak ang pintura, pinahiran ko pa ng isa. At ngayon ko na-realize na dry ang itsura ng kusina, walang dating. Sinimulan kong pasadahan ang mga cupboards. Kaya lang, natuluan ang lababo, itinuloy ko na rin ang pagpinta rito. Ilang pahiran lang, bagung-bago na ang mukha ng kusina–intense.

Di na ako nakapagpigil. Nang mapuno ang sahig ng kusina ng mga pulang polka dots, napagpasiyahan kong gawing maliliit na puso ang mga ito. To relieve the monotonous squareness of the tiles, kung baga.

Tutal narumihan na ang kamay ko at bukas na ang lata, naggalugad ako sa loob ng bahay ng puwede pang mapinturahan. Dali-dali kong hinarap ang nangungupas na lampshade, ang miniature na model ng Eiffel Tower, ang frame ng isang pekeng Monet, ang mga paso at dahon ng palmera, airpot, pati na ang tsinelas ni Mike sa loob ng bahay.

Naa-addict na ako sa ginagawa ko. Pero nang makita ko ang itsura ng pinto ng bahay, di ko napaglabanan ang tukso. Kulay dilaw na brown na puti ang kulay ng pinto. Ilang pahiran lang at nawala ang ambiguity nito.

Pagkatapos ng pinto, naisip ko: “Ayoko na, tama na.” Pero di siguro magandang tingnan na isang picture frame lang ng bahay ang kulay pula, kaya pinintahan ko ang lahat. Ilang minuto ako sa ceiling fan. Ang dutsa sa kubeta at ang mga gripo, nag-improve mula sa walang kalatuy-latoy na silver.

Habang pinapasadahan ko ang gilid ng TV, nahulog ang brush sa kaliwang sapatos kong de-goma. Itinuloy ko na rin ang pagpipinta sa sapatos–sa isang paa lang. Parang si Tom Hanks sa Man with one red shoe.

Pagkatapos ng konting pahiran sa radyo, determinado na akong huminto–sa sandaling lagyan ko ng glamour ang mga throw pillows. Kaya lang, natilamsikan ang rug. I’m sure, masisiyahan kayong malaman na maganda ang pagkaka-absorb ng rug sa pintura. Di ko lang alam kung iyon ay dahil sa kalidad ng pintura o ng rug.

Pumanhik ako sa kuwarto at hinarap ang mga aparador. Binuksan ko ang isa. Pinasadahan ko ang mga bag at sinturon ni Mike at ilan sa mga attaché cases ko. Bumaba ako at lumabas sa garden at pininturahan ko ang mga praso, ang mga dahon ng san francisco at gumawa ng kauna-unahang pulang sampaguita.

Nasa kalagitnaan ako ng pagpipinta sa telepono nang may kumatok. Si Mike! Binuksan ko ang pinto. Di si Mike.
“Sulat galing sa Butuan. Sino si Mike Fernan? Galing sa isang Joan.” Inabot ko ang sulat. Maputla ang kulay ng kartero, kulang sa buhay. Pinahiran ko ang mukha niya ng konting pintura para di naman siya mukhang anemic. Di yata naintindihan ng mama ang gusto kong palabasin, at nagtakbo itong humihiyaw.

Habang pinipintahan ko ang dingding ng sala para ibagay sa bagong personalidad ng bahay, bumukas ang pinto at bumulaga si Mike.

“Ipinagpaumanhin ninyo,” sabi niya, “nagkamali ako. Akala ko’y ito ang bahay ko at ikaw ang Ricky ko.”

Hinawakan niya ang pulang doorknob at lalabas na sana nang pigilan ko siya.

“Mike, ako ang Ricky mo. Di ka ba nasorpresa, ref mo’y iba na?”

Di lang siya nasorpresa, nagulantang pa siya. Doon na raw muna siya sa kaibigan niya sa Fairview. Iiwan na raw niya sa akin ang ref niya, ang kama niya, ang ito niya, ang iyon na. Aalis na raw siya at di siguro kung babalik–pero di pa siya makaalis kasi’y basa pa ng pintura ang mga maleta niya. Di malaman ang gagawin, bumigay ang tear ducts niya.

“Totoo ngang nababaliw ka na. Sabi mo’y matino ka na. Ibabalik uli kita sa basement. Sana’y gumaling ka na. Ayoko kasing mag-isa.”

Wala akong nasabi at sa isang mahinay na unday, pinintahan ko ang mga luha niya ng pula. Naubos ang laman ng lata.

"BLUE ANG KOBREKAMA NI JAKE" (part 2 of R.A.L.N.M.)

Blue ang kobrekama ni Jake
by: Jimmy I. Alcantara

Wala nang palabas sa TV nang dumating si Michael. Lagi-lagi na lang siyang ganitong oras kung umuwi. Hindi ko naman siya maaway – siya ang padre de pamilya.

Lagi-lagi na lang siyang umaga kung umuwi. Hindi na niya napapansin na every other day ay iniiba ko ang ayos ng sala niya, ang lugar ng mini-component niya, ang bedsheets at pillowcases niya.

Gusto ko siyang awayin, pero nasa ibaba pa siya, at nagkakalampagan ang mga plato at mga kubyertos. Hindi pa siya kumakain, isip-isip ko. May nabasag na isang baso, isang plato. Binaba ko siya – hawak niya ang refrigerator. Wala akong masabi. Iyak siya nang iyak.

“Mike, kumain ka na, ipinagluto kita ng tinola.” Hindi niya ako pinansin, kumuha siya ng kutsilyo at sinubukang bakbakin ang balat ng ref. Hindi pa siya nakuntento. Humanap siya ng sandpaper at kiniskis ang pinto nito. Naawa ako sa kanya kaya kinuha ko ang kutsilyo at sandpaper. Dinala ko siya sa sala; amoy alak si Michael. Sabi niya: Bukas aayusin natin ang kulay na bahay, ayoko ng ganitong buhay.

Niyakap ko siya. Noong isang buwan bumili ako ng pintura sa Cubao. Sa gusto kong pasayahin at sorpresahin siya, pinintahan ko ng pula ang ref. Nakaka-praning ang amoy ng Scarlet Aluminum Paint kaya pati ang cupboard, lababo, lampshade, airpot hanggang sa ceiling fan at TV ay pinasadahan ko rin. Mike, hindi na uli ako bibili ng pulang pintura. Kahit ngayon na wala nang laman ang lata. Wala nang laman ang lata, Mike, naririnig mo ba?

Bago siya nahiga ay pinunasan ko siya. Habang pinapahiran ko ng pulbos ang dibdib niya ay sinabi kong nakakalungkot ang maghapong mag-isa sa bahay. Umasim ang mukha ni Mike pero hindi niya pinahalata. Hindi kami pwedeng magkaanak. Baog si Mike. At flip ako. Parusa ng Diyos sa amin. Magsi-six years na kaming live-in pero wala pa rin kaming balak na magpakasal.

Kinabukasan sa harap ng almusal ay sinabi niya, “Ampon tayo, gusto mo?”

“Gusto mo?” sabi ko.

Tumango siya. “Sige, ampon tayo.”

Hindi makakasama si Mike nang araw na kukunin ko ang bata. May project sila sa opisina at kailangang nandoon siya sa presentation nito. Ako na ang nag-drive sa kanya pagpasok niya. Dumiretso ako sa Quezon City.

Hindi kalakihan ang ampunan pero malinis at de-aircon. Kinausap ko ang namamahala. Sandali lang at ibinigay na ang bata at iniwan ko ang inaasahang iwan ko. Inilagay ko ang bata sa gilid ko. Sa bahay, inihiga ko siya sa matagal nang nakahandang kama para sa kanya. Blue ang kulay ng kobrekama.

Cute na cute ang baby – kulot ang buhok niya at ang taba – ang sarap-sarap pisilin. Maputi siya, parang si Michael. Matutuwa si Mike sa anak niya, lalake kasi tulad ng gusto niya.

Ano ang ipapangalan naming sa iyo, baby? Gusto mo ba ng Jake? Kami na ang mga magulang mo, baby. Palalakihin ka namin, pag-aaralin ka namin. Tanggapin mo, kami na ang mga magulang mo. Isipin mo mula ka sa amin. Hindi ka ampon, nagkataon lang na may dalawang tao na talagang gumawa sa iyo para sa amin. Palpak kasi kami. Oo, siyempre naman, anak, mahal ka namin.

Umiiyak na ang bata, gutom na siguro. Nagtimpla ako ng gatas at ibinigay sa kanya. Hindi man lang niya nakalahati ang bote. Gusto lang sigurong maglambing. Kinarga ko siya, inugoy-ugoy ko at huminto siya sa pag-iyak. Nakakatulog na siya nang maramdaman ko ang pagbukas ng pinto sa ibaba. Nariyan na siya nang maramdaman ko ang pagbukas ng pinto sa ibaba. Nariyan na si Mike. Dali-dali kong inilapag ang bata sa kama at lumipad pababa sa kinaroroonan ni Mike.

“Mike! Mike! Nandito na ang bata. Kamukha mo, halika, tiyak na matutuwa ka.”

Nagmamadaling pumanhik si Mike. Mabilis niyang binuksan ang pinto. Tuwang-tuwa si Mike. Sa tuwa niya, naiyak siya. Lumabas siya ng kwarto at nagkulong sa CR.

Inabot si Mike ng dalawang oras sa toilet. Na-upset siguro siya dahil ang batang iyon ang isang palatandaan ng mga pagkukulang namin bilang mag-asawa.

Pero, eto na ang bata, Mike. E ano kung hindi siya sa atin? Sa atin na siya ngayon. Anak na natin siya. Magulang na niya tayo.

Hindi kumain ng hapunan si Mike. Hindi ko rin siya namalayan nang humiga siya sa kama. Nagising ako sa pagbali-balikwas niya. Gising si Mike. At ayaw niyang magsalita.

Nararamdaman kong umiiyak na ang bata. Akmang tatayo ako nang magsalita si Mike.

“Ricky, isoli mo siya, hindi natin kailangan ng kasama.”

Hindi ko siya inintindi. Nagda-drama na naman si Mike.

“Nagugutom na ang anak mo. Heto ang unan mo. ‘Wag mo nang pasakitin ang ‘yong ulo, bukas mag-uusap tayo.”

Binuksan ko ang ilaw at lumapit sa kinaroroonan ng bata. Hinawakan ko siya. Tuyo pa rin ang lampin niya. Nagtimpla ako ng gatas at ibinigay ko ito sa kanya. Binuhat ko siya, inilagay sa dibdib ko at inugoy-ugoy.

Nakatitig si Mike, umaapoy ang mata.

“Bagay na bagay sa iyo, para kang tarantado.”

“Ano ba ang problema, Mike? Di ba sabi mo’y okay ang bata sa bahay? Ngayon, bakit ka nag-iingay?”

Galit na galit na si Mike, nagbabanta na. Ayos na raw ang mga maleta niya, at ngayon, tiyak nang aalis siya. Nagmumura na si Mike. Natatakot na ako sa kanya. Diyos ko, huwag mong sabihing nababaliw na rin si Mike, huwag mong sabihing nahawaan ko siya. Diyos ko, tama na ang isang flip sa pamilya. Tumayo si Mike, nagbabasag na ng gamit. Ibinato niya ito doon, ang iyon ditto. Hagis ng ano, pukol ng ano. Kipkip ko ang baby ko ng tumakbo ako palabas ng kwarto. Baka kung ano pa ang gawin niya sa baby ko. Lumipad ako papunta sa guestroom. Humabol si Mike, pero nagging mas mabilis ako sa kanya. Ini-lock ko ang pinto. Tinawag ko ang lahat ng santong kakilala ko para pakalmahin si Mike. Itinulak niya ang pinto. Madaling bumigay ang binubukbok na pinto. Sa lakas ng pagkakasalya ni Mike ay muntik nang magiba ang dingding at haligi ng bahay.

"Surrender na ako, Mike, do whatever you want."

Bumukas ang pinto. Umaapoy pa rin ang mga mata ni Mike. Pero ano ito? Umiiyak na sa galit si Mike.

“This is it. I’ve had it, Ricky. Hindi na ito anxiety, this is insanity.”

Hindi ko siya maintindihan. Magaling na ako. There is nothing wrong with me. Si Mike ang nababaliw. Yakap-yakap ko ang baby ko. Nalilito ako. "Ano’ng nangyari sa atin, Michael?"

Kinuha ni Mike ang anak ko. "Ayoko. Huwag mo siyang gagalawin, bata pa siya, wala pa siyang alam." Ihahagis niya ang baby ko. Huwag, Mike, mamamatay ang bata. Ibinato niya ang anak ko sa sahig.

“Mike, hayop ka. Pag namatay ang baby ko, sino pa ang kasama ko dito sa bahay mo?”

“Tatawagan ko si Marvin. We’re both taking you in,” ang sabi ng walang pusong si Mike. Lumabas siya.

Pinuntahan ko ang anak ko. Gasgas ang mukha. Dumilat ka, baby. Sabihin mong mahal mo ang daddy. Niyakap ko siya. Dumilat ka, baby, say how much you love your daddy. Hinimas ko ang likod niya – labas ang buto. Hindi, may kung anong lumawit lang.

Nangiti ako. Ibinalik ko ang mga baterya sa dating ayos.